Sa Iyong Paglisan

Sa iyong paglisan…

Wala nang malungkot na takipsilim o tumatangis na dapit hapon.

Hindi na luluha ang punong nangungulila sa kanyang dahon.

Wala nang pagdurusa sa mga batong hinahampas ng alon

O sa buhanging ginuho na ng panahon.

‘Di na rin marahil mangangamba ang ulap sa kanyang pagluha

O ang sigaw ng kulog sa lupa.

Maaaring wala nang tinik ang mga bulaklak

O kaya’y wala nang lason sa kanilang halimuyak.

Malaya nang makalilipad ang mga ibon.

Wala nang iba’t ibang kulay ang iyong mga anak

At di na rin kakahig sa loob ng bakurang ginayak.

Wala nang maliligaw sa gubat,

Sapagkat wala na rin ang hahabol na may sibat.

Wala na…

Wala nang pait sa iyong paglisan.

‘Pagkat ‘di magtatagal ang iyong pagpanaw.

Sa’yong pagbabalik, ako’y maghihintay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

Gravatar
WordPress.com Logo

Please log in to WordPress.com to post a comment to your blog.

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s